Ang sampaloc ay isa sa mga bunga na ginagamit sa napakaraming paraan. Maaari itong gamitin sa pagluluto, sawsawan, kendi at kung anu-ano pa. Ang dahon nito ay nagtataglay ng medisinal na kakayahan na maaaring gamiting panggamot sa iba't ibang mga karamdaman. Narito at alamin ang mga benepisyong hatid nito at baka sakaling makatulong ito sa iyong nararamdaman kondisyon. 1. Para sa lagnat Ang dahon ng sampaloc ay ginagamit noon bilang isang herbal remedy at ginagawang tsaa upang ipainom sa mga taong nakakaranas ng lagnat. Ito kasi ay mayaman sa bitama C na makakatulong upang mapalakas ang resistensya at malabanan ang sak!t. Maaari ring ipampunas ang pinaglagaang dahon ng sampaloc sa taong may lagnat upang mapababa ang temperatura nito. 2. Para sa ubo, at sore throat Maaari rin itong gawing tsaa upang inumin ng mga taong nakakaranas ng dry cough at makating lalamunan. Magpakulo lamang ng tinadtad na dahon ng sampaloc sa tubig, magdagdag ng honey at ku...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.