Isang Lalaki, Nagbahagi ng Mahigit 10,000 na Bisikleta sa mga Estudyante Upang Hindi Na Sila Maglakad Papunta Sa Paaralan!
COURTESY: www.facebook.com/than.t.win.967 Alam nating lahat kung gaano kahalaga ang edukasyon para sa kabataan at madalas ay malaki ang nagiging papel nito para mapabuti ang kanilang kinabukasan. Kaya naman kahit mahirap ang estado ng buhay ng ilang pamilya ay sinisikap nilang mapa-aral ang kanilang mga anak. Ang ilan nga sa mga batang ito ay walang maisuot na uniporme, walang baon o di kaya naman ay naglalakad nalang kapag pumapasok ngunit hindi pa rin tumitigil sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Ganito ang nasaksihan ng isang lalaki sa kanilang bansa matapos niyang umuwi galing sa Singapore makalipas ang 18 taon na pag-aaral doon. COURTESY: www.facebook.com/than.t.win.967 Nakilala ang lalaki bilang si Mike Than Tun Win at dahil sa nakitang pangangailangan ng mga bata ay nag-isip siya ng paraan kung papaano matutulungan ang mga ito. Naalala niyang napakaraming bisikletang nakatiwangwang sa bansang Singapore dahil hindi naging epekt...