Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2019

5 Diet Challenges Na Dapat Subukan Ng Karamihan

Lahat tayo ay naghahangad ng healthy na katawan at malayo sa sak!t. At isang paraan upang ma-achieve ito ay pagkakaroon ng healthy lifestyle at tamang diyeta.  Napakarami ng uri ng mga diyeta ngayon na sinasabing nakakapagpapayat nga, ngunit para sa isang tao na hindi alam paano magsisimula ay maaaring hindi mo alam kung ano ang iyong pipiliin para ikaw ay pumayat.  Kaya naman narito ang 5 diet challenges na dapat subukan ng karamihan. 1. No to junk food challenge Tiyak na marami sa inyo ang mahilig sa chitchirya at fastfoods. Ngunit kahit alam natin na hindi ito healthy ay patuloy pa rin nating kinakain. Kaya naman kung nais mong pumayat ay dapat mo itong iwasan. Kalimutan muna sa loob ng isang buwan ang pagkain sa mga pizza, burger, softdrinks, chichirya at kung anu-ano pang mga junkfoods. At ang iyong kainin muna ay mga healthy na pagkain tulad ng prutas at gulay.  2. Sugar diet challenge Nais mo bang makaiwas sa dyabetis at pagtab...

Ang Dalawang Sangkap na Ito ang Makakatulong sa Inyo Upang Gamutin ang mga Brown Spots o Age Spots sa Inyong Mukha!

Kahit saan ka man na yugto na ng iyong buhay, kung ikaw ay nasa kalagitnaan ng iyong pamumuhay dito sa mundo, bata, matanda, lalaki o babae ay maaari kang makakuha ng ganitong uri ng kondisyon na kung saan lumilitaw ang mga brown spot sa paligid ng inyong mukha. Ang mga maliit na brown spot na lumilitaw sa mga lugar ng mukha matapos ang mahabang panahon ng pananatili sa sikat ng araw. Ang mga age spots ay kadalasang lumilitaw sa karamihan ng mga tao na ang balat ay lubos na sumasagap ng ultraviolet ray mula sa araw na nagiging sanhi ng mga sinyales ng pagtanda para sa mga edad 50 pataas. Habang tirik ang araw at nakabilad ang iyong balat dito, mas madaling kapitan ka ng mga spot sa iyong balat. Ano ang mga dahilan ng age spot o brown spot na ito? Mayroong isang youtube video na mapapanuod sa pamamagitan ng pagsearch ng kanyang youtube channel na "DREW" na kung saan dito ipinapaliwanag na ang mga sunspot ay pangunahing sanhi ng ultraviolet r...

Sampung Paraan Upang Mapanatili ang Normal na Level ng Ating Blood Pressure

Ang presyon ng dugo o blood pressure (BP) sa ingles, ay ang pwersa ng daloy ng dugo sa loob ng mga ugat. Isa ito sa mga unang kinukuha sa mga pasyenteng dumadalaw sa mga klinika dahil kapag ito ay hindi normal, maaaring indikasyon ito ng iba’t-ibang karamdaman. Ang normal na lebel nito sa mga taong nasa wastong edad ay 120/80 mmHg, ang alin mang pagtaas o pagbaba mula sa mga numero ito ay hindi maganda sa ating kalusugan.  Ito ang ilan sa mga paraan upang mapanatili ang normal na blood pressure sa ating dugo: Regular na pag-e-ehersisyo. Maiging sanayin ang katawan na may ehersisyo araw-araw kahit pa ito ay simpleng paglalakad lamang kada umaga nang kinse minutos. Hindi kinakailangan ang marubdob na pagpapapawis, ang mahalaga ay gawin ito nang hinay-hinay at matimtiman. Huwag kalimutan ang mga gamot. Sa mga taong mayroong altapresyon at may minimintinang gamot, importanteng hindi sila lumiban sa pag-inom ng mga ito dahil maaari itong makaapekto ...

12 na Pagkain na Kailangan Kainin Upang Malinisan ang Daluyan ng Inyong Dugo o Ugat Upang Maiwasan ang mga Sakit Tulad ng Atake Sa Puso!

Ang pagbibigay atensyon at lubos na alaga sa kalusugan ng iyong puso ay napakahalaga para sa kaninuman. Isipin nating mabuti na ang pamumuhay natin sa araw-araw na negatibong nakakaapekto sa ating puso tulad ng maling pagpili ng mga pagkain na hindi nakakapagbigay ng sapat na nutrisyon, kawalan ng mga pisikal na aktibidad ay patunay lamang na nakakasira ito sa ating cardiovascular health. Kaya naman, kinakailangan itong maagapan habang maaga pa. Napakaraming tao sa buong mundo ang nakikipaglaban sa kondisyon kung saan barado ang kanilang arteries o daluyan ng dugo, at ang kalagayan na ito ay patuloy na nagpapahirap sa sangkatauhan. Ang mga ugat ay sumusuporta sa dugo upang maipasok ang lahat ng mga ito sa iba't ibang organ ng ating katawan, sa pamamagitan ng pagbigay ng isang sariwang oxygen at malusog na pagdaloy ng dugo, na kung saan ay lubhang kinakailangan upang mas maging maayos ang pag-andar ng ating katawan. Ang malusog na mga arteries ay mat...

5 Bagay Na Maaari Pang Gawin Sa Kape Bukod Sa Paginom Nito

Kapag sinabing "kape" ang unang pumapasok sa isip natin ay inuming pampagising. Napakaraming taong mahilig sa kape, minsan hindi lamang isang beses sa isang araw sila uminom nito.  Ngunit bukod sa pag-inom nito, alam niyo ba na mayroon pa pala itong pwedeng paggamitan? At ang ilan sa mga ito ay hindi niyo pa nalalaman at nasusubukan. Kaya naman narito at inyong alamin! 1. Body scrub Ang kape ay magandang natural skin exfoliator dahil tinutulungan nito ang balat na alisin ang mga makakapal na balat at d**d skin cells. Maaaring magprepare ng iyong sariling coffee body scrub sa pamamagitan ng paghalo ng bago o gamit na ground coffee beans at kaunting olive oil. Pwede itong gamitin sa parte ng iyong katawan na nais mong iexfoliate. Iwanan ng 15 minuto bago hugasan. 2. Face exfoliator Hindi lamang ito pwede sa katawan kundi maging sa mukha ay maaari rin itong gamiting pang facial scrub dahil ito ay natural at walang halong kemikal.  3. Fa...

Nakakapanghina Talaga ng Loob Kapag Mayroon Kang Maitim na Kili-kili, Siko, at Tuhod! Subukan Niyo ang Remedyo na Ito Gamit ang Patatas.

Naghahanap ka ba ngayon ng alternatibong paraan kung paano mapupuksa ang iyong maitim na balat? Pagod ka na ba sa paggastos ng pera para sa mga whitening na produkto ngunit hindi pa rin nagreresulta ng mahusay at positibo? Alam nating lahat kung gaano kahirap at hindi kanais-nais ang magkaroon ng maitim na balat sa iyong mga tuhod, elbows, armpits at ilan pang mga bahagi ng iyong katawan. Ang pagkakaroon ng isa sa mga maitim na problema sa balat sa iyong katawan ay maaaring makaapekto sa iyong tiwala sa sarili at lakas ng loob na magsuot ng damit na walang manggas o kahit na shorts sa publiko. Hindi ka maaaring magsuot ng iyong paboritong swimsuit sa tag-init lalo na sa mga kabataang babae. Sa kabutihang-palad mayroon kaming ibabahagi sa inyo na natural na mga remedyo na napakahusay sa pagtanggal ng maiitim na mga problema sa balat. Isa sa mga epektibong natural na mga remedyo na maaari mong ilapat sa iyong maitim na balat ay kung ano ang ituturo namin sa iyo ngayo...

5 Natural at Murang Remedyo Para Sa Pagkakalbo

Mayroong mga pagkakataon na ang isang tao ay nakakaranas ng pagkalagas ng buhok. Maaaring ito ay dahil sa stress, namamana o di kaya ay mayroong pinagdadaanang karamdaman. Ang pagkalagas ng buhok ay normal, ngunit ang nakakabahala ay kapag ang paglalagas ng buhok ay nauuwi sa pagkakalbo. Ngayon ay ibabahagi namin sa inyo ang mga natural at murang remedyo para sa pagkakalbo. 1. Katas ng sibuyas Ang katas ng sibuyas ay nakakatulong sa pag-improve ng hair growth at tinutulungang ma-nourish ang mga hair follicles. Ito ay nakaka-istimulate ng anit at iniimprove ang sirkulasyon ng dugo sa ulo. Iapply lamang ang katas ng sibuyas sa iyong anit at iwanan sa loob ng 30 minuto bago banlawan. Gawin ito dalawang beses sa isang linggo. 2.    Pula ng itlog Maaaring narinig niyo na na ginagawang hair mask ang itlog. Ito kasi ay mayaman sa protina na nakakatulong upang mapalago ang buhok. Ang gagawin mo ay batihin ang pula ng itlog at gawin itong mask sa iyong ...

Anim na Sanhi ng Heartburn at Paraan Kung Paano Ito Maiibsan

Ang lagukan o esophagus  ay ang tubong nagdurugtong sa ating bibig at tiyan kung saan dumaraan ang ating mga kinakain at iniinom. Ang kombinasyon ng asido at enzymes  sa ating tiyan ang tumutulong para matunaw natin ang mga pagkain at nang magamit ito ng ating katawan bilang enerhiya. Kapag ang asidong mula sa tiyan ay bumalik patungo sa ating esophagus, ito ay isang kondisyon na tinatawag na  Gastroesophageal Reflux Disease  ( GERD ).  Habang ang tinatawag naman ng ilan na HEARTBURN ay isang sintomas na kaakibat ng  GERD  kung saan makakaramdam nang pananakit ng lalamunan at dibdib na halos  katulad ng pakiramdam kapag ang isang tao ay inaatake sa puso. Ito ay maaaring tumagal ng ilang minuto o ilang oras at karaniwang mas malala pagkatapos kumain. Mga Nagsasanhi ng Heartburn May ilang mga pagkain, inumin at gamot na maaaring magsanhi ng iritasyon sa tiyan na pwedeng mauwi sa heartburn . Ilan sa mga ito ay: Alak ...

6 Na Gawain Na Nakakasira Sa Ating Buhok

Ang pagkakaroon ng malambot, makintab, at healthy na buhok ay pangarap ng karamihan sa mga babae. Ito kasi ang tinatawag rin na "crowning glory." Ngunit dahil na rin sa stress, polusyon, at iba't ibang mga matatapang na produkto na ginagamit natin sa ating buhok kaya ito nasisira. Samantala, narito ang mga habits na dapat iwasan dahil nakaka-damage sa ating buhok. 1. Pagligo ng hot water Kapag malamig ang panahon, ang gusto natin ay maligo sa hot shower. Nakakarelax man ito sa pakiramdam, ngunit pagdating sa buhok ay hindi ito maganda. Dahil ang mainit na temperatura ay maaaring makapagdulot ng pag-split at pagdry ng buhok. Ang magandang gamitin ay cool water lang. 2. Pag-blow dry Ang mainit na hangin na inilalabas ng blow dryer ay nakakatuyo ng buhok. Ang paraan din ng paggamit nito ay maaaring magdulot ng pagkasunog ng buhok. Hindi maganda ang itinututok at inilalapit ito sa iyong anit. Dapat mayroong 15cm distance kung gagamitin ito sa ...

Anim na Benepisyo ng Malunggay Bukod sa Pamparami ng Gatas sa Isang Ina

Ang malunggay o Moringa oleifera ay isa sa mga gulay na madalas nang makikita na nakatanim sa paligid, kaya naman hindi na nakakasorpresa na tayong mga Pilipino ay isinasama ito sa iba’t-ibang lutuing bahay. Sa sobrang pangkaraniwan nito, nabibili lamang ito sa murang halaga o kaya naman, maraming pagkakataon na pwede pa itong mahingi nang libre sa inyong kapitbahay. Lingid sa kaalaman ng iba, maliban pa sa epektibo ito sa pagpaparami ng gatas ng mga inang nagpapasuso ng kanilang mga anak, ito rin ay sagana sa sustansya at mga bitamina na lubhang makakatulong sa ating pangkalahatang kalusugan.  Sa katunayan, nadiskubre na rin ito ng iba’t-ibang bansa at dahil sa dami ng mga benepisyong nakukuha rito, tinagurian na rin itong isang superfood . Kilala rin ito sa tawag na ben-oil tree , horseradish tree , drumstick tree o clarifier tree sa mga bansa sa kanluran. Ano ang mga Benepisyo na Maaaring Makuha sa Malunggay? Napakaraming magandang naidudulot ang p...

Warning Signs na Maaaring Nakakaranas Kana ng Sintomas ng Anemia

Ano ang Anemia? Ito ay isang kondisyon kung saan ang isa sa tatlong pinakaimportanteng selula ng dugo ay hindi sapat—ang tinatawag na red blood cells (RBC). Ito, kasama ang white blood cells (WBC) at platelets, ay kinakailangan upang mapanatili ang maayos na pagdaloy at kalusugan ng dugo. Ang RBC ay nagtataglay ng hemoglobin, ang protinang nagbibigay ng pulang kulay sa dugo at tumutulong sa paghahatid ng oxygen sa buong katawan. Kinakailangan ang iron, vitamin B12, folate at iba pang nutrisyon na nakukuha natin sa pagkain upang makagawa nito. Kapag hindi sapat ang ilan sa mga nasabi ay maaari itong magsanhi nang kakulangan ng malusog na RBC at ito ay makaka-apekto sa kabuuang distribusyon ng oxygen. Mga Klase ng Anemia Maraming iba’t-ibang uri ng kondisyong ito at lahat ay may kanya-kanyang sanhi. Sa katunayan, ayon sa mga eksperto, mayroong mahigit sa 400 na uri nito. Ito ay maaaring mahina o malubha at pansamantala o panghabang buhay depende sa ka...