Hindi maikakaila na ang pag-iisip ng mga lalaki ay naiiba sa mga babae. Marahil ang mga babae na kapag may nararamdaman o nararanasan ay madaling mailabas ito sa pamamagitan ng pakikipagusap, ang mga lalaki naman ay mas pinipiling sarilinin na lamang ito at huwag pag-usapan. Kaya bilang isang asawa o kasintahan, narito ang mga bagay na dapat hindi na lang pagusapan at ungkatin at simulang talakayin sa iyong kapareha lalo na kung hindi siya kumportableng pinaguusapan ito! 1. Pagbanggit sa iyong dating karelasyon o kasintahan Paniwalaan natin na para sa ikabubuti din ng inyong relasyon kung hindi na lamang pinag-uusapan ang mga naging dating karelasyon. Huwag piliting pag-usapan ito lalo na kung hindi naman niya ito gustong pag-usapan. Pag nagsimula kang magsabi ng mga magagandang bagay tungkol sa dati mong kasintahan, maaaring maghinala ang iyong kapareha na iniisip mo pa din ang iyon at hindi ka pa rin nakaka-move on. Tandaan lagi kung ano ang iyong mararam...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.