Sinasabi na ang tofu ay isang napaka-healthy na pagkain dahil ito ay gawa sa soybeans. Ito ay magandang mapagkukunan ng protina at nagtataglay ito ng siyam na esensyal na amino acids. Mayroong rin itong iron, calcium, phosphorus, manganese, copper, zinc, magnesium at vitamin B1. Ang maganda pa sa pagkaing ito ay maaari itong ipangpalit sa karne at mas healthy pa at hindi nakakataba. Kaya naman alamin ninyo ang benepisyong hatid nito. 1. Pang-iwas sa pagtaba at obesity Ang sobrang katabaan o obesity ay maaari mauwi sa iba't ibang kondisyon tulad ng sak!t sa puso, mataas na presyon, oste0arthritis at kung anu-ano pa. Ang tofu ay mababa lamang ang taglay na calories at fats kaya naman tiyak na hindi ka tataba kapag ito ang iyong kinain. Ang peptins rin na taglay nito ay nakakatulong sa pagsunog ng mga fat molecules sa katawan. 2. Pinapabagal ang maagang pagtanda ng balat/ skin aging Ang mga amino acids sa tofu ay nakakatulong upang mapanatili ang malambo...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.