Ayon nga sa isang kasabihan, "Prevention is better than cure." Sa paglabas ng iba't ibang mga sak!t ngayon, mas makakabuti na ang nag-iingat at pinoprotektahan ang ating katawan bago pa tayo madapuan ng anumang sak!t. Maaari itong simulan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating immune system. Ang immune system ay ang nagsisilbing depensa ng ating katawan laban sa mga masasamang organismong maaarinig makapasok sa ating katawan. Kung nais malaman kung paano ninyo mapapalakas ang inyong immune system upang mapalayo sa mga sak!t narito at alamin. 1. Bawasan ang stress Ang epekto ng stress sa ating katawan ay hindi maganda. Hindi lamang ito lumalabas sa ating pisikal na itsura tulad ng pagkakaroon ng wrinkles, maagang pagtanda, etc. ngunit naapektuhan rin ang loob ng ating katawan. Ang pagiging sobrang stressed ay nakakapagpataas ng ating hormone na cortisol, at kung patuloy itong tumataas humihina ang function ng ating immune system. ...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.