Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2018

5 Epekto Ng Wi-Fi Sa Ating Kalusugan!

Halos lahat na sa atin ay gumagamit na ng wireless connection o wi-fi para sa kanilang pang araw-araw na gawain. Maging sa trabaho man, business, personal na gamit, at sa ibang establisyemento dahil napaka-convenient nito. Ngunit alam niyo ba na may masamang epekto din pala ito sa atin kalusugan, lalo na kung nilalagay mo ang iyong wi-fi router sa loob ng kwartong iyong tinutulugan dahil sa mga electromagnetic waves na ine-emit nito. Narito at alamin ang mga negatibong epekto nito sa ating kalusugan: 1. Pinapahina ang brain function Nakakaapekto ang wi-fi sa pagkakaroon ng kawalan ng konsentrasyon at brain function. Ang sobrang exposure dito ay maaaring pababain ang brain activity na pwedeng magresulta sa poor concentration at memory loss.  2. Heart stress Ang mga taong exposed sa electromagnetic waves na ine-emit ng wi-fi ay maaaring makaranas ng pagtaas ng heart rate. At tumataas din ang tyansa nilang magdevelop ng cardi0vascular d!seases o...

Mga Natural Na Solusyon Para Sa Nangangasim Na Sikmura

Isang karaniwang sakit sa ating gastrointestinal system ang pagkakaroon ng pangangasim sa sikmura. Ang karamdaman ito ay nakakaapekto sa upper digestive system na pwedeng magdulot ng sintomas gaya ng pagsusuka, hindi natutunawan, bloating, kabag, at kawalan ng ganang kumain. Ang nararanasang pangangasim ng sikmura ay pwedeng dulot ng acid reflux, dyspepsia, gastritis, peptic ulcer, at gastroenteritis. At pwede rin dahil sa pagkain ng panis/sirang pagkain, sobrang pag-inom ng mga carbonated na inumin, hindi regular na pagkain at pagkain ng maaanghang o matatabang pagkain.  Narito ang mga natural solusyon na pwede mong subukan upang gamutin ang pangangasim ng iyong sikmura: 1. Apple Cider Vinegar Mabisa ang apple cider vinegar sa mga taong nakakaranas ng pangangasim ng sikmura, hindi natunawan, bloating, kabag, at ulcer sa tiyan. Nakakatulong ang acidic nature nito upang patayin ang mga masamang bakterya sa loob ng iyong tiyan at ibalik ang normal ph ...

5 Natural Na Paraan Para Paputiin Ang Iyong Balat!

Minsan ang pagkakaroon ng maitim at hindi makinis na balat ay dahil sa sobrang pagkaka-expose sa araw, polusyon, stress, at sa paggamit ng iba't ibang matatapang na kemikal. Karamihan sa mga kababaihan ang nagnanais ng maputi at makinis na balat. Dahil hindi lang ito nakakaganda kundi nakakapagpataas pa ng self confidence.  Napakaraming produktong pampaputi ngayon ang binebenta, ngunit may kamahalan. Kung gusto mo ng natural at swak sa budget, narito ang ilang mga tips kung paano paputiin ang iyong balat! 1. Yogurt Ang yogurt ay gawa sa gatas na mayroong likas na nutrients na mabuti sa ating balat. Ito ay mayroong lactic acid na kayang magpaputi at magpakinis ng balat. Paano gamitin: *Gumamit ng plain yogurt na mabibili sa mga grocery stores *Ipahid ito sa iyong mukha/ balat sa loob ng ilang minuto *Hugasan gamit ang maligamgam na tubig *Gawin minsang beses sa isang araw sa loob ng ilang linggo 2. Katas ng kalamansi Ang kalamansi ay m...

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

5 Importanteng Bitamina Na Kailangan Ng Iyong Katawan!

Ang mga bitamina ay mga sustansiyang kinakailangan para kalusugan ng ating katawan. Kapag wala o kulang sa bitamina ang pagkain pumapasok sa ating katawan ay nagkakaroon ng vitamin deficiency at panghihina sa resistensya na pwedeng magdulot ng karamdaman at iba't ibang mga sak!t.  Importante ang bitamina sa ating katawan upang tayo ay manatiling malusog at malayo sa anumang sakit. Narito ang 5 importanteng bitamina na kailangan ng ating katawan at kung saan maaaring makuha ang mga ito: 1. Vitamin D Ang vitamin D ay tumutulong sa mabisang pag-absorb ng calcium sa katawan na mahalaga sa pagpapatibay ng mga buto at ngipin. Malaki ang papel ng bitaminang ito sa paglago, paglaki, at tamang pagkakahulma ng mga cells sa katawan at sa maayos na pagpapagana ng mga kalamnan at neurons. Pagkain mayaman sa vitamin D: Gatas, margarina, cod liver oil, tuna, salmon, atay, pulo ng itlog, fortified soy/rice at tamang pag-papaaraw sa katawan. 2. Vitamin K...

Anim Na Magandang Benepisyo Ng Pagkain Ng Monggo!

Ang monggo  ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy, lalo na kung niluto ito bilang ulam na ginisang monggo. Bukod sa napakasarap nitong ulamin, ay sagana pa sa sustansya at bitamina.  Ang monggo ay sagana sa protina at folic acid kaya naman isa rin itong pagkain recommended sa mga buntis. Dahil nakakatulong ito sa pagdevelop ng utak ng kanilang dinadalang sanggol. At upang magkaroon ng malusog na cell growth at mabawasan ang pagkakaroon ng birth defects.  Narito ang mga dahilan kung bakit kailangan mong kumain ng monggo: 1. Tumutulong palakasin ang iyong resistensya Ang monggo ay mayroong phytonutrients na anti-inflammatory at anti-microbial na tumutulong palakasin ang iyong immunity laban sa mga bakterya at virus. Tumutulong din itong pagandahin ang pag-absorb ng nutrients sa katawan. 2. Nakakapagpabawas ng blood pressure Ito ay mayroong anti-hypertensive effects na nakakatulong sa pagkontrol ng mataas na presyon at kontrahin...

8 Na Paraan Para Maiwasan Ang Pagkalagas Ng Buhok!

Isang problema na hindi masyadong nabibigyan ng pansin ang pagkalagas ng buhok o hair fall.   Normal lang para sa isang tao na malagas ang 50 hanggang 100 hibla ng buhok sa isang araw. Ngunit kung mas madami na dito ang nalalagas araw-araw ay maaaring makaranas ka na ng pagkaka-kalbo.   Ano nga ba ang sanhi ng pagkalagas ng buhok? Stress Pagbubuntis o panganganak Kakulangan sa nutrisyon o maling diet Matapang na kemikal na nilalagay sa buhok Namamana o hereditary Sakit ng lupus Uri ng pamumuhay o lifestyle Pagtanda Narito ang mga paraan kung paano mo maiiwasan ang sobrang pagkalagas ng iyong buhok: 1. Umiwas sa paliligo sa mainit na shower Ang paliligo ng buhok gamit ang mainit na tubig ay pwedeng gawing marupok ang iyong buhok sa katagalan at maging sanhi ng pagkakaroon ng split ends at paglalagas.  2. Bawasan din ang paggamit ng mga blow dryer, curling iron at flat iron Ang mga bagay na ginagamit ...

5 Benepisyo Ng Pag-inom Ng Malunggay Araw-araw!

Ang malunggay o Moringa Oleifera ay isang tropical tree na karaniwang tumutubo sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Tinuturing ito "miracle tree" dahil sa dami ng nagagamot nitong sak!t. Hindi lang ito isang herbal medicine, masarap din itong ipangsahog sa ulam! Kinikilala ang malunggay bilang "king of super foods" dahil sa mayaman ito sa vitamins A, B, at C pati na rin ang calcium, iron, protein, at phosphorus. Nagbibigay din ito ng sapat na lakas, sigla, nagkokontrol sa cholesterol level at nakakatulong makaiwas sa pagkakaroon ng c****r.  Narito ang limang magandang benepisyo sa ating katawan kapag inaraw-araw mong kumain o uminom ng malunggay! 1. Nakakatulong mabalanse ang blood sugar Ang dahon ng malunggay ay mayaman sa flavonoids na nakakatulong sa paggawa ng histamine at chlorogenic acid na parehong nakakapagbalanse ng blood sugar levels ng katawan. 2. Tumutulong sa pagprotekta ng mata Pangunahing nakakasira sa ...

Check Out Coco Martin's Dream House In Quezon City!

Isa sa mga matagumpay na artista ngayon ay ang artistang si Rodel Nacianceno o mas nakilala bilang "Coco Martin." Ang naipundar na bahay na ito ay bunga ng kanyang pagtya-tyaga at pagsisikap sa kanyang trabaho sa showbiz. At umabot ng tatlong taon bago makumpleto at matapos ang kanyang dream house na naging totoo.  Silipin niyo ang kanyang napakaganda at napakalaking tropical-inspired home sa Quezon City! Main Entrance Bubungad na agad sa main entrance ang mga puno at halaman sa kanyang bahay. Dito pa lang ay nagbibigay na ng tropical vibe ang kanyang tahanan.  Sala / Living Room Ayon kay Coco, ginusto talaga niya na ang kanyang sala ay maganda ang ambiance at nakaka-relax na para kang nasa isang hotel. At siguradong nag-invest siya sa mga furnitures na inilagay sa kanyang bahay. Makikita rin ang mga works of art na ginawang pang-disenyo sa kanyang sala.  Dining Room Eto naman ang cozy dining area ng kanyang bahay na mayroon...

Mga Benepisyo ng Pagkain ng Puso ng Saging

Ang puso ng saging ay mayaman sa mga bitamina A, bitamina C at antioxidants na nakakatulong na makapagpalusog ng ating katawan. Ang puso ng saging ay karaniwang niluluto ng mga Pilipino na may halong gata. Maari itong kainin ng hilaw o steamed. Punong puno ito nga mga benepisyo na maganda para sa ating katawan kaya mainam na kumain nito o ihanda ito sa inyong mga anak para makuha nila ang mga health benefits nito. Ano nga ba ang importanteng benepisyo na makukuha sa pagkain ng Puso ng Saging? 1. Nagpapatibay ng Uterus  Para sa mga babae, nakakatulong ito upang magpatibay ang uterus. Kung ikaw ay may problema sa hormones o menstrual period, maari mo itong kainin dahil ito ay nakakatulong itong mabawasan ang sobrang pagdurugo. 2. Nakakatulong para sa mga may Anemia Ang Anemia ay kadalasang kondisyon ng mga Pinoy. Ang pagkain ng puso ng saging ay nakakatulong na makapag-prevent ng kundisyon na ito dahil ito ay may high iron ...

4 Na Natural Na Paraan Para Kuminis Ang Iyong Balat!

Ang ating balat  ang siyang pinakamalaking organ sa ating katawan. Ito rin ang nagsisilbing panangga sa mga mikrobyo sa ating paligid dahil pinoprotektahan nito ang ating mga lamang loob o internal organs. Ngunit dahil sa paggamit ng iba't ibang produkto gaya ng mga matatapang na kemikal, pagbibilad sa matinding sikat ng araw, at polusyon ay unti-unti nating nasisira ang kalusugan ng ating balat. Kaya naman nagreresulta sa pagkakaroon ng tighyawat, pekas, pagka-dry at pagkakaroong ng wrinkles.  Kaya narito ang mga natural na paraan kung paano mo pakinisin ang iyong balat! 1. Katas ng lemon Ang juice ng lemon ay nagtataglay ng natural na astringent at pwedeng gamitin bilang panlinis sa mga balat na oily. Mabisa din ang lemon na pampaputi at pantanggal ng dark spots sa iyong mukha. *Magpiga ng kalahating lemon.  *Kunin ang katas nito.  *Ipahid ang katas sa iyong mukha at leeg gamit ang bulak.  *Iwanan sa loob ng 10 min...