Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2019

Limang Benepisyo ng Malunggay Drink at Kung Bakit Dapat Tayong Uminom Nito

Ang malunggay o kilala rin sa tawag na moringa ay isa sa mga popular na gulay sa ating bansa at madalas itong makita sa mga bakuran ng ilan sa mga bahay lalo na sa probinsiya. Mayroon itong maliliit na dahon na siyang niluluto kasabay ng iba pang gulay. Maliban dito, maari ring patuyuin ang mga dahoon at ihalo sa iniinuom na tubig dahil mabisang itong panlaban at panlunas sa ilang mga karamdaman.  Sa artikulong ito ay ating tatalakayin ang ilan sa mga benepisyo ng nasabing gulay sa ating kalusugan.  1. Pampakinis ng balat  Ang malunggay ay sagana sa bitamina C na siyang importante upang mapanatiling makinis at maganda ang ating balat. Mayroon din itong mga antioxidants na siyang panlaban sa mga tinatawag na free radicals na siyang nagiging sanhi ng pagkasira ng ating balat at pagkulubot nito.  2. Malinaw na mata  Mayaman rin sa bitamina A ang malunggay at ayon sa ilang pag-aaral mas mataas ang bilang nito kumpara sa mga car...

6 Na Benepisyo Ng Beets/ Beetroot Juice Na Maaaring Hindi Mo Pa Alam

Ang beets or beetroot ay isang root vegetable na may matingkad na mamula-mulang kulay. Madalas ito ay isinasama sa mga salads o di kaya ay ginagawang inumin. Ang mga beets ay puno ng mga esensyal na bitamina at mineral na benepisyal sa ating kalusugan lalo na sa pagkontrol ng presyon at pang-diyeta. Kaya naman, alamin kung anu-ano ang mga benepisyong naibibigay ng pagkain at paginom ng beet juice.  1. Para sa kalusugan ng ating puso Ang beetroot juice ay magandang mapagkukuhanan ng nitrates. Ang nitrates ay nakakatulong upang paluwagin ang ating mga ugat o blo0d vessels para bumaba ang ating presyon. Kaya mabuti itong inumin ng mga taong may high blood dahil nakakatulong rin ito sa pagpapababa ng kolesterol sa katawan. 2. Panlaban sa implamasyon Ang implamasyon sa katawan ay maaaring dulot ng sobrang katabaan, sak!t sa puso, sak!t sa atay, at kans*r. Ang beets ay nagtataglay ng pigments na tinatawag na betalains na siyang nakakatulong upang malaban...

Palambutin Ang Mga Kamay Gamit Ang 5 Natural Na Paraan Na Ito

Isa ka ba sa mga taong namomroblema dahil sa magaspang mong kamay. Ang ating mga kamay ay nagiging dry at magaspang sa tagal ng panahon dahil sa iba't ibang mga dahilan. Maaaring ito ay dahil sa klima ng panahon, sa uri ng iyong trabaho, o dahil sa iba pang medikal na kondisyon. Gayunpaman, mayroon namang mga natural na paraan na pwede mong subukan upang muling maibalik ang kinis at malambot mong kamay at hindi na kailangan pang gumastos ng mahal.  Narito at alamin ang mga ito.  1. Pula ng Itlog Ang pula ng itlog o eggyolk ay mayaman sa nutrisyon at sa compound na lecithin na may kakayahang magpalambot ng kamay o skin emollient. Nakakatulong ito na ikondisyon ang mga kamay upang hindi ito maging dry at magaspang. Batihiin lamang ang eggyolk at i-apply ito sa iyong kamay sa loob ng 15 minuto bago hugasan.  2. Petroleum jelly Bukod sa mabisa ang petroleum jelly para sa mga nagbibitak-bitak na mga paa, ay maganda rin itong ipampahid sa mga k...

Mga Dahilan Kung Bakit Makati Ang Tiyan Ng Mga Buntis At 6 Na Remedyo Para Dito

Ang bawat buntis ay may kanya-kanyang napagdaraanang karanasan bago nila maisilang ang kanilang sanggol. At bawat babae ay may kakaibang pregnancy experience na maaaring naranasan mo, ngunit hindi naranasan ng iba.  Katulad na lamang ng health issue tungkol sa labis na pangangati ng tiyan ng mga buntis. Karaniwan, nararanasan ito ng karamihan sa mga buntis. At ito ang mga dahilan: Nahahatak at pag-expand ng iyong balat Pagbabago sa iyong hormones Dry skin Pagdevelop ng stretch marks Pagdami ng supply ng dugo sa balat Samantala, upang mabawasan at maiwasan ang labis na pangangati, narito ang mga home remedies na maaari mong subukan. 1. Maglagay ng gentle o mild moisturizer Ang panunuyo ng balat ay isang dahilan kung bakit ito makati. Upang maiwasan ang panunuyo ng balat sa iyong tiyan at buong katawan, maaaring magpahid ng gentle moisturizer upang maibalik ang moisture sa iyong balat. 2. Oatmeal bath Ang oatmeal ay nakakatulong rin upang m...

Sampung Benefits ng Pagkain ng Galunggong na Hindi Natin Alam

Ang isdang “Galunggong” ay isa sa mga popular na isda sa ating bansa. Ito ay madalas nating makita sa mga palengke at sa hapag-kainan ng karamihan sa ating mga kababayan. Mura ang halaga nito kumpara sa ibang klase ng isda kaya naman hindi nakakapagtaka na tangkilikin ito ng masa. Maliban dito, maaari itong lutuin ang isdang Galunggong sa iba’t-ibang putahe kagaya na lamang halimbawa ng pagpapausok dito, prito, inihaw o di kaya naman ay sahog sa sinabawang gulay. Ngunit alam niyo ba na maraming benepisyo ang hatid ng isdang ito sa ating kalusugan? Narito ang ilan sa mga ito: 1. Pananatiling aktibo ng ating utak Ang mga isdang kagaya ng Galunggong ay nagtataglay ng omega-3 fatty acids na siyang tumutulong sa pagkakaroon ng DHA o Docosahaexaenoic Acid sa ating utak. Ito ay importanteng sangkap upang maging aktibo ang ating utak at makapag-isip tayo ng maayos. 2. Tulong sa depression at anxiety Sa dami ng ating mga trabaho sa araw-araw ay hi...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

Pitong Masustansyang Benepisyong Hatid Ng Kalamansi

Maaaring pamilyar na kayo sa pag-inom ng katas ng kalamansi o calamansi juice tuwing may ubo o may sipon dahil ito ang kilalang remedyo noon ng mga matatanda. Dahil sa saganang bitamina C na hatid nito ay napapalakas nito ang iyong resistensya laban sa sak!t.  Maasim man ang lasa nito ay puno naman ito ng anti-oxidants na may naidudulot na magandang benepisyo sa ating katawan. At kapag kinonsumo ito sa regular basis ay mas lalong makikita ang kahanga-hangang epekto nito. Narito at alamin ang mga masustansyang benepisyong hatid ng kalamansi. 1. Pampalakas ng resistensya o immunity Dahil nga sagana ito sa bitamina C at iba pang benepisyal na nutrients, ang kalamansi ay ginagamit na pampalakas ng resistensya sa matagal ng panahon. Dahil sa anti-oxidant at anti-bacterial na kakayahan nito, tinatanggal nito ang mga negatibong epekto ng free radicals sa katawan. 2. Pampababa ng acidity Ayon sa ilang mga pag-aaral, nakakatulong ang kalamansi sa pagpapabawas ng...

Mga Pagkain na Dapat Kainin At Iwasan Para Makatulong sa mga Babaeng may Hormonal Imbalance

Malaki ang ginagampanang papel ng mga hormones sa ating katawan dahil sila ang may kontrol ng ating pakiramdam maging ng tamang paggawa ng ating mga organs. Kaya naman ang pagkakaroon ng kondisyon na tinatawag na hormonal imbalance ay maaring magdulot sa atin ng sobrang tigyawat, pagsama ng pakiramdam o di kaya naman ay paghina ng ating mga organs. Kadalasan mangyari ang bagay na ito sa mga kababaihan at nagdudulot para sila ay hindi magkaroon ng supling. Sa artikulong ito ay iisa-isahin natin ang ilang mga pagkain na dapat kainan at iwasan para pigilan ang pagkakaroon ng hormonal imbalance. Mga pagkain na dapat kainin: 1. Yogurt Ang mga fermented na pagkain kagaya ng yogurt ay makakatulong upang mapanatiling balanse ang ating hormone level. Nakakatulong din ito upang lumakas ang ating mga buto at maayos na pagproseso ng ating pagkain. 2. Gulay Ang mga gulay tulad ng mga fiber rich vegetables ay sadyang nakakapagbigay sa atin ng magandan...

5 Mabisang Remedyo Para Sa Makating Lalamunan

Talagang hindi komportable sa pakiramdam ang pagkakaroon ng makating lalamunan. Bukod sa pagkairita ng iyong throat o lalamunan ay hindi pa mapipigilan ang pag-ubo at pag-garalgal ng iyong boses.  Kaya bago pa man lumala ang kondisyon iyong makating lalamunan ay makakabuting maagapan na ito sa lalong madaling panahon. At kung ayaw mo namang uminom ng gam0t ay mayroon namang natural at mabilis na paraan upang ito ay malunasan. Narito at alamin. 1. Citrus fruits tulad ng kalamansi at lemon Noon pa man ay ginagamit na nang mga matatanda ang kalamansi juice para sa mga nakakaranas ng pag-ubo at makating lalamunan. Kinukuha ang katas nito at inihahalo sa maligamgam na tubig. Maaaring lagyan ng kaunting honey para sa panlasa. Ito ay siksik sa vitamin C na nakakatulong upang palakasin ang resistensya ng katawan. 2. Maligamgam na tubig at asin Mabisa ang paghalo ng asin sa maligamgam na tubig at saka gamitin itong pang-gargle sa umaga. Nakakatulong kasi ang ...

Sumakabilang Buhay ang Batang Ito Matapos Gumamit ng Isang Klase ng Toothpaste na Kung Saan Siya Pala ay Allergic!

Ang pagkakaroon ng allergy sa ilang mga bagay at pagkain ay dapat huwag ipagsawalang bahala. Bigyan ng karagdagang pag-iingat upang maging maayos ang inyong kalusugan lalo sa mga Ina na lahat ay gagawin upang maprotektahan lamang ang kanilang mga anak. Ngunit kung minsan hindi maiwasan na maging komportable sa ilang mga bagay at hindi na sinasaliksik ang mga ito.  Tulad na lamang sa isang Ina na nakatira sa California kung saan pumanaw ang kaniyang anak dahil sa kaniyang allergy. Kaya naman nagbigay siya ng babala sa mga katulad niyang Ina na magbigay ng karagdagang pag-iingat at attention pagdating sa allergy ng kanilang anak. Hindi inaasahan ng isang Ina na si Monique Altamirano na mayroong masamang mangyayari sa kanyang anak dahil lamang sa paggamit niya sa isang brand ng toothpaste.  Nagulat siya ng mapagalaman na naglalaman ng sangkap na Recaldent ang toothpaste na kung saan isa ito sa protina ng gatas. Ayon kay Monique nadisku...

Limang Halaman na Maaaring Itanim sa Inyong Bakuran Upang Mataboy ang mga Lamok

Nalalapit nanaman ang panahon ng tag-ulan na kung saan mas dumarami ang mga pesteng lamok na nakapagdudulot ng pagkakasak!t. Sa mga panahong ito mas dumarami ang mga kaso ng dengue. Kaya naman alamin natin kung ano ang makatutulong sa atin upang mataboy ang mga pesteng lamok nang sa gayon hindi na makapaghatid ng kapahamakan sa atin. Alam niyo ba na mayroong mga halaman na nakakatulong na makapagpataboy ng mga lamok? Hindi mo na kinakailangan ng insect repellant dahil ang mga halaman na ito ay mabango at pang iwas sa lamok. Ito ang Limang halaman panlaban sa lamok: 1. Citronella Ito ay isang halaman na napaka-popular sa pagtataboy ng mga lamok. Maaari itong itanim sa harap ng bakuran. Kasing wangis rin ito ng damo na may kaugnayan sa lemongrass o tanglad. Ngunit ang pagkaibahan ng mga ito ay hindi katulad ng tanglad na nakakain dahil ang ang halamang citronella ay may hindi kanais-nais na lasa. Gayunman ang taglay na tapang ng amoy nito ay ginaga...