Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2019

6 Na Solusyon Para Sa Nangingitim At Pawising Kili-kili

Ang pakakaroon ng maitim na kili-kili ay maaaring isang problema na hinaharap ng mga kababaihan, lalo na't kapag sila ay nagsusuot ng mga sleeveless na damit. Nakakahiya nga naman kapag itinaas mo ang iyong kamay at kita ang nangingitim na kili-kili. Bukod sa pangingitim, isa ring pinoproblema ang pagpapawis nito dahil isa itong major turn-off. Lalo na kung ang pamamawis ng iyong kili-kili ay may kasamang mabahong amoy. Kaya naman narito ang mga solusyong makakatulong sayo. 1. Tomato juice Bukod sa natatanging healing properties ng tomato juice ay nakakatulong din itong magpaliit ng mga pores at bawasan ang matinding pagpapawis. Ang pag-inom ng isang baso ng fresh tomato juice araw-araw ay nakakatulong upang makontrol ang pagpapawis. Kung ayaw mo naman gawin iyon, ay maaaring ipahid nalamang ang tomato juice sa iyong pawising kili-kili. Iwanan ng 10 minuto bago banlawan. 2. Lemon o kalamansi Natural na nakakapagpaputi at nakakapagtanggal ng amoy ng ...

5 Epektibong Paraan Para Matanggal Ang Mga Kalyo

Ang kalyo o callus ay ang parte ng balat na tumitigas at kumakapal dahil sa paulit-ulit na friction o pressure ng paa. Kadalasan, ang mga kalyo ay lumilitaw sa paa dahil sa uri ng mga tsinelas o sapatos na ating sinusuot. Ngunit maaari rin itong lumitaw sa kamay o kahit saang parte ng katawan na nakakaranas ng friction. Kung nais mong matanggal ang iyong mga kalyo, narito ang ilang epektibong paraan na maaari mong subukan: 1. Baking Soda Ang baking soda ay isang natural exfoliant na epektibong pantanggal ng kalyo. Ang mga maliliit na crystal sa baking soda ay nakakatulong upang maexfoliate ang balat at mapalambot ang tumigas na parte. Paano gagamitin: Maghalo ng 3 kutsarang baking soda sa isang palanggana na may maligamgam na tubig. Ibabad ang paa sa loob ng 10 minuto. Hugasan ang paa at kiskisin ang mga kalyo gamit ang pumice stone. 2. Lemon Juice Ang lemon juice ay isa sa mga mabisang remedyo na pantaggal ng kalyo sa paa. Ang citric acid n...

6 Mabilis Na Remedyo Para Sa Paso / Pagkapaso Na Matatagpuan Lamang Sa Inyong Kusina

Ang ating balat ay maaaring ma-damage o masira kapag ito ay napaso. Ang pagkapaso ay nakakapagdulot ng makirot at mahapding pakiramdam na kailangan mong agad bigyan ng pangunang lunas. Ang unang papasok sa iyong isip kung ano nga ba ang dapat ilagay kapag ikaw ay nakaranas ng pagkapaso. Narito at alamin ang mga remedyo sa paso na agad na matatagpuan sa inyong kusina. 1. Malamig na tubig Kapag ikaw ay napaso, ang pinakaunang dapat mong gawin ay itutok ang napasong parte sa running tap water sa inyong gripo sa loob ng 20 minuto. Tapos ay hugasan ito ng mild soap at tubig. 2. Cool compress Kapag napaso ay iwasan munang maglagay ng kung anu-anong pinapahid na gam0t sa balat dahil maaari itong magdulot ng imp*ksyon. Gumamit ng cool hindi cold compress. Basain ang isang bimpo o facetowel at gawin itong pantapal sa apektadong bahagi. Gawin ito sa loob ng 5-10 minutong intervals. Iwasan ang paglalagay sobrang lamig na bagay sa napasong parte dahil maaari lama...

Paano Nakakatulong Ang Paginom Ng Cucumber Juice Para Sa May Mataas Na Presyo o BP

Ang pagkakaroon ng mataas na presyon o high blo0d pressure ay delikado dahil maaari itong mauwi sa pagkakaroon ng kidney o heart failure. Ang mga taong mayroong mataas na BP ay dapat maging aware sa lifestyle at sa mga uri ng pagkaing dapat at hindi dapat kainin upang hindi malagay sa panganib ang kanilang buhay.  Isa sa mga pagkaing magandang kainin ng mga may mataas na presyon ay ang pipino o cucumber. Sa kabuuan, ang pipino ay nagtataglay ng 95% na tubig. Ito ay may kakayahan na magpababa ng blo0d pressure dahil sa taglay nitong potassium na nakakatulong upang maregulate ang amount ng sodium sa dugo. Narito ang mga dahilan kung bakit mo ito dapat inumin kung ikaw ay high blo0d. 1. Kinokontrol ang presyon Ang pipino ay nagtataglay ng hormone na kailangan ng ating lapay o pancreas cells para sa produksyon ng insulin. Napag-alaman ng mga researchers na ito ay nagtataglay ng isang compound na sterols, na nakakatulong sa pagpapababa ng lebel ng kolesterol sa ka...

5 Remedyong Pantanggal Sa Peklat Ng Bulutong

Ang chicken pox o bulutong ay isang karaniwang kondisyon na dulot ng varicella zoster virus. Ito ay nakakahawa at karaniwan sa mga bata ngunit maaari rin magkaroon ang mga matatanda. Ang sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mga pulang rashes, blisters sa balat partikular sa mukha, braso, dibdib at maaaring kumalat sa buong katawan, pananak!t ng mga kasu-kasuan at paglagnat. Ang kondisyong ito ay maaaring tumagal hanggang 1-2 weeks.  Kapag pagaling na ito ay magkakaroon ng crust ang mga blisters at maaaring magiwan ng maitim na peklat sa iyong balat na kung maaari ay ayaw mong mangyari. Kaya narito ang mga natural na remedyo upang mabawasan ang peklat na dulot ng bulutong. 1. Aloe Vera Ang gel na makukuha sa dahon ng aloe vera ay isa sa mga pinakamabisang remedyo na pantanggal ng mga itim na peklat sa balat na dulot ng bulutong. Ito kasi ay mayroong regenerative, whitening properties at kayang palambutin ang iyong balat.  Iapply lamang ang gel s...

Narito ang Limang Pagkain na Dapat Iwasan Para sa Kalusugan ng Iyong Pantog o Urinary Bladder

Ang impeksiy0n ng pantog o urinary bladder ay kadalasang sanhi ng impeksy0n sa bakterya sa loob ng pantog. Ang impeksiy0n sa urinary bladder ay isang uri ng impeksiy0n sa ihi na tinatawag na Urinary Tract Infection o UTI. Ito ay tumutukoy sa isang impeksyon sa pantog, bato, ureters, o urethra. Mahalagang panatiliing malusog ang iyong pangangatawan kasama na ang bawat bahagi nito. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag- alam kung ano ang mga nakabubuting gawin at mga dapat kainin para sa iyong kalusugan.  Alamin kung alin sa iyong mga kinakain ang dapat iwasan lalo na kung mayroon kang urinary bladder infection: 1. Al@k o Alkoh0l Mahalagang bawasan at iwasan ang pag inom ng al@k dahil nagkakaroon ng posibilidad ang umiinom na magkaroon ng sak!t sa pantog tulad ng UTI. Ang iyong mga kidney ang gumagana sa pag-filter ng mga mapanganib na toxins sa katawan at ang pag-inom ng al@k ay nagpapahirap sa prosesong ito. Ang malakas na pag-inom ng alak ay...

7 Problemang Pangkalusugan Na Epekto Ng Stress

Ang stress ay nakakapagdulot ng negatibong epekto sa ating kalusugan. Madalas na ito ang pangunahing dahilan na pinagmumulan ng iba't ibang health issues. Ang stress ay nakakapagpadulot ng paghina ng immune system na nauuwi sa pagkakaroon ng mga pagsak!t sa katawan. Minsan ay hindi pa natin nalalaman na over stressed na pala tayo dahil natatago ito sa pamamagitan ng mga sintomas na akala natin ay normal lang na maramdaman. Alamin ang mga possibleng problemang pangkalusugan na nararansaan niyo ngayon na epekto pala ng stress. 1. Body pains o pagsak!t ng pakiramdam/kasu-kasuan Madalas na hindi natin pinapansin ang ating katawan hanggat wala tayong nararamdamang kirot o sak!t. Ngunit kung mataas na ang iyong stress levels, ang iyong katawan ay magpapakita ng senyales tulad ng stomach issues, ulser, pagsikip ng dibdib, palpitations, at kung anu-ano pang pananakit ng kasu-kasuan. Kaya kung madalas na nararanasan ang mga sintomas na ito, maging aware at ito...

Limang Halamang Gamot na Panlunas at Upang Makaiwas sa Tuberculosis

Maraming uri ng halamang gamot ang ginagamit upang malunasan ang mga ilang uri ng sak!t. Lubos na nakatutulong ang mga benepisyong taglay ng mga ito sa ating kalusugan. Halimbawa na nito ay ang mga halamang gamot na makakatulong sa paglunas ng sak!t na tuberculosis o TB kung tawagin. Ano nga ba ang Tuberculosis at ano ang maaaring maranasan na sintomas nito? Tuberculosis o TB ay isang uri ng sak!t sa baga na kung saan kilala bilang isang infecti0us disease. Ito ay nagmula sa bakteryang tinatawag na mycobacterium tuberculosis. At ang sakit na !to ay madali lamang makahawa.  Sa pamamagitan ng physical contact mula sa taong nagtataglay nito ay maaari ka nang mahawa sa kaniyang sak!t. Wala rin itong pinipiling tao dahil kahit sanggol, bata, buntis at matanda ay maaaring maranasan ito.  Bukod pa rito, maaaring makuha ang bakterya sa hangin dahil sa pag-ubo, pag-bahing at talsik ng laway ng pasyente. Sa mga taong nagtataglay ng tubercul...

6 Na Paraan Na Makakatulong Upang Makaiwas Sa Goiter

Ang goiter ay ang abnormal na paglaki ng iyong thyroid gland, ito ay ang hugis paru-paro na gland na matatagpuan na ka-lebel ng iyong lalamunan. Isa sa mga sintomas nito ay ang pamamaga na kaya maging ang leeg ay lumalaki. Maaari rin itong magdulot ng kahirapan sa paghinga, paglunok, at pagsikip ng lalamunan. Ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng goiter ay ang kakulangan ng iodine sa diyeta o ang abnormal na produksyon ng mga hormones. Upang makaiwas sa goiter, narito ang mga paraan at tips na maaari mong subukan. 1. Seaweeds o lato Ang mga seaweeds o mas kilala sa tawag na lato sa tagalog ay napakagandang kainin upang makaiwas sa goiter. Ang mga ito ay matatagpuan sa ilalim ng karagatan at nagtataglay ng iodine, calcium, potassium at magnesium. Maaaring kaining ito bilang salad na may halong kamatis at sibuyas. 2. Apple Cider Vinegar Tunay na nakakamangha ang medisinal na kakayahan ng apple cider vinegar. Isa na rito ang kakayahan nitong makapagpaiw...

Iwasan Ang Mga Pagkain At Inuming Ito Kung Ikaw Ay Mayroong UTI

Ang urinary tract inf*ction o kilala sa tawag na UTI ay dulot ng mga bakterya sa daluyan ng ating ihi. Maaari ring maapektuhan ang ating bladder at mga kidneys kung ito ay hindi naagapan. May mga bagay bagay rin na nakakapagdulot ng UTI tulad ng hindi pag-inom ng sapat na tubig at pagpipigil ng pag-ihi. At mayroon ding mga pagkain at inumin na nakakapagpalala nitong kondisyong ito kaya naman ito ay dapat mong iwasan. Narito at alamin ninyo ang mga ito. 1. Prutas na acidic Ang mga prutas tulad ng lemon, pinya, oranges, suha at kamatis ay maituturing na mga acidic na pagkain na pwedeng maka-irritate sa iyong bladder. Ang mga pagkaing ito ay maaaring makapagdulot ng implamasyon sa bladder at makapag-palala sa mga sintomas ng UTI. Kaya makakabuting iwasan ang mga pagkain ito hanggang tuluyang mawala ang iyong kondisyon. 2. Spicy na pagkain Ang mga pagkaing maaanghang ay hindi dapat kinakain kung ikaw ay mayroong imp*ksyon sa ihi dahil nakakapagpataas ito n...

6 Na Paraan Upang Mapangalagaan Ang Mata At Paningin

Marahil pamilyar na kayo sa kasabihan na, "Our eyes are the windows to the soul." Sa katunayan, ang ating mga mata ay nakakapagbigay na ng napakaraming impormasyon tungkol sa nararamdaman ng isang tao.  Malalaman din ang emosyon ng isang tao sa mamagitan ng kanyang mata. Kaya naman ang mga ito ay napaka-halagang organ sa nilalang. Ngunit dahil sa bilis ng pagbabago ng panahon ngayon, ay napakaraming bagay rin ang nakakaapekto sa ating mata at paningin. Narito at alamin ang mga simpleng paraan upang mapangalagaan ang iyong paningin. 1. Kumain ng tama Unang-una, ang ating paningin ay nakadepende rin sa nutrisyon na ating kinakain. Kung ang iyong kinakain ay masustansya at naglalaman ng mga bitaminang nakakabuti sa mata tulad ng omega 3 fatty acids, lutein, vitamin C, E, at zinc ay makakatulong ito upang makaiwas sa mga vision problems gaya ng katarata at maagang paglabo ng mata. 2. Ipahinga ang mata Karamihan sa mga tao ngayon ay gumagamit ng mg...