Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2019

6 Healthy Benefits Ng Pagkain Ng Makopa

Ang makopa ay isang prutas na kilala rin dito sa Pilipinas. Ito ay may mamula-mulang kulay at may laman na kulay puti. Ang lasa nito ay manamis-namis na parang katulad ng mansanas kaya naman tinatawag rin nila itong 'rose apple.' Bukod sa masarap nitong lasa ay alamin din ninyo kung anu-ano ang mga benepisyo nito na hindi naman kadalasang nagpag-uusapan at baka sakaling makatulong sa iyong pangangatawan. 1. Nakakatulong sa digestion Ang mataas na fiber content ng makopa ang siyang nakakatulong upang maregulate ang passage ng pagkain sa iyong tiyan upang hindi ka mahirapang dumumi. Makakatulong rin ang pagkain nito upang maiwasan ang konstipasyon. 2. Pang-detox Ginagamit ang bunga ng makopa bilang isang detoxifer. Ang buto nito ay pinapakuluan at iniinom bilang pampaihi na benepisyal naman sa mga taong may problema sa atay at bato.  3. Pinapanatili ang kalusugan ng puso Ang makopa fruit ay nagtataglay ng mga nutrients at fiber na nakak...

4 Na Gamit Na Pampa-beauty Ng Cornstarch Na Maaaring Hindi Mo Pa Nasusubukan

Isa sa mga ingredients na kadalasang matatagpuan sa bahay ay ang cornstarch, ginagamit ito na pampalapot sa mga pagkain. Ang cornstarch o tinatawag rin na cornflour ay isang carbohydrate na nagmula sa mais.  Ngunit bukod sa gamit na ito ay marami pa pala itong pwedeng paggamitan. Sa katunayan, maaari rin itong gamitin na pampa-beauty. Narito at alamin ang mga gamit pa nito! 1. Pantanggal ng excess oil sa mukha Kung naubusan ka ng pulbo o pressed powder ay huwag mag-alala, humanap lang ng cornstarch sa inyo kusina at maaari mo itong gamitin upang matanggal ang oiliness ng iyong mukha. Gumamit ng makeup brush upang madistribute ito ng mabuti sa iyong mukha.  2. Pampakapal ng pilik-mata Isa sa mga gusto ng mga babae ang magkaroon ng mahaba at makapal ng pilik-mata dahil nakakadagdag nga naman ito ng ganda sa mukha. At para ma-achieve ang instant look na ito ay magdagdag lamang ng kaunting cornstarch sa iyong mascara upang mabigyan ng volume ang ...

Limang Bad Habits Tuwing Umaga na Madalas Nating Gawin Kaya Dumadagdag ang Ating Timbang

Ang labis na pagbigat ng timbang o obesity sa ingles ay makokonsiderang isang epidemya dahil masyado na itong talamak sa buong mundo at importante na masolusyonan ang problemang ito dahil hindi ito makakabuti sa ating kalusugan. Naiuugnay ito sa iba’t-ibang mga karamdaman kagaya ng altapresyon, pagtaas ng kolesterol sa katawan, stroke, diabetes, s(a)kit sa puso at bato, at pati na rin sa k(a)nser.  Ang balanseng diet at regular na pag-e-ehersisyo ay makakatulong para mapanatiling nasa tama ang ating timbang ngunit hindi lamang ito ang kinakailangang gawin, dapat rin nating itama ang mga gawaing nakasanayan na natin dahil maging ang mga ito ay may epekto sa ating pangangatawan. Narito ang mga nakasanayan nating gawain sa umaga na nakakadagdag ng timbang: 1. Labis-labis na pagtulog Ang bawat isa sa atin ay nangangailangan ng 7 hanggang 9 oras na pahinga upang maging maayos ang takbo ng ating sistema sa katawan at ano mang kakulangan o kalabi...

Damong Maria, Natural na Panlunas sa mga Babaeng may Problema sa Regla

Ang Mugwort o Damong Maria kung tawagin dito sa ating bansa ay isang halaman na matagal nang ginagamit sa medisina dahil sa mga katangian nito na may benepisyong pangkalusugan. Karaniwan rin itong ginagamit ng mga kababaihan dahil sa kakayahan nitong gamutin ang mga karamdaman na partikular sa mga babae kagaya ng dysmenorrhea at iba pang mga sintomas tuwing ang mga babae ay nireregla.  Ang halaman na ito ay matatagpuan sa halos kahit saang parte ng mundo at ito ay natural na may katangiang pangontra sa mga bacteria, fungi at parasite. Ayon sa mga pag-aaral, ito ay nakakatulong sa pagsasa-ayos ng daloy ng dugo tuwing may buwanang dalaw ang mga babae at ginagawa nitong regular ang pagdating nito kada buwan. Ngunit dahil rin sa mga katangiang ito ay hindi ito pwede sa mga babaeng nagdadalang tao. Mga Paraan Kung Paano Magagamit ang Damong Maria: 1. Maaari mo itong gawing Tsa-a Maghalo lamang ng 1 hanggang 2 kutsara ng tuyong dahon ng Damong Ma...

5 Benepisyong Hatid Sa Katawan Ng Pagkain Ng Dark Chocolate

Isa sa mga paboritong matamis na pagkain mapa bata man o matanda ang tsokolate. Ngunit marami ang napagkakamalan na ang tsokolate ay hindi magandang kainin dahil masyado itong mataas sa asukal. Pero hindi lahat ng tsokolate ay ganoon, sa katunayan ang dark chocolate ay isang uri ng tsokolate na  may mapait-pait na lasa at hindi ganoon katamis. Ito ay may hatid na magandang benepisyo sa ating katawan lalo na't kapag kinain lamang ng tama. Narito at alamin ang mga benepisyo nito. 1. Food for the brain Ang dark chocolate ay nakakatulong upang maboost ang mood at cognitive function ng utak. Pinapataas nito ang daloy ng dugo sa utak upang gumana ito ng mabuti at mahasa ang iyong memorya. 2. Nagtataglay ng antioxidants Sa dami ng mga free radicals sa ating kapaligiran, dapat lang na tayo ay kumain ng mga pagkaing mayaman sa antioxidants upang maprotektahan ang mga cells sa katawan, at isang magandang source na mapagkukunan ay ang dark chocolate. Ito kasi a...

Nakakatulong na Benepisyong Hatid ng Dahon ng Kamoteng Kahoy sa Ating Katawan Kapag Ininom ang Katas Nito

Alam niyo po ba na ang simpleng dahon ng kamoteng kahoy na makikita lamang kadalsan sa ating bakuran ay mayroon palang benepisyo sa atin? Isa ang kamoteng kahoy sa mga karaniwang espesyal na lutuin ng mga pilipino. Madalas na makita itong nakatanim sa mga bakuran. Kaya naman iba't ibang klase ng mga lutuin ang ginagawa rito tulad ng kalamay, suman, ukoy, bibingka, at iba pa. Ito rin ay mayaman sa nilalaman na benepisyong nakabubuti sa ating kalusugan. Ngunit hindi lamang ang ugat nito ang kapaki-pakinabang dahil pati ang dahon ay naglalaman din maraming nutrietns. Ang dahon ng kamoteng kahoy ay mayaman sa vitamin A at B1, fiber at proteins na kailangan ng ating katawan.  Bukod dito, ang pagkonsumo ng dahon ng kamoteng kahoy ay mayroong mga sumusunod na benepisyo sa atin: 1. Nakapag-tataas ng kaganahan sa pagkain Tradisyunal na ginagamit ang tangkay at dahon ng kamoteng kahoy bilang gamot. Sa pamamagitan ng katas ng dahon ng kamot...

Para sa Mayroong Sinusitis, Subukan ang Home Remedies na Ito Para Mawala ang Sipon at Baradong Ilong

Napakaraming mga halamang gamot ang kapaki-pakinabang upang matulungang mapalakas, mapanatiling malusog ang ating kalusugan. Gayunman nakatutulong rin ang mga ito na malunasan ang iba't ibang karamdaman. Tulad na lang ng kondisyon sa sinus o sinusitis, isang kondisyong nakakaapekto sa ating sinus sa ilong mapabata man o matanda lalo na sa panahon ng taglamig o mainit na panahon na pabago-bago.  Ano nga ba ang sinusitis? Ano ba ang masamang epekto nito kapag hinayaan lumala? Ang Sinusitis ay isang kondisyon nauugnay sa implamasyon o pamamaga ng tisyu sa daluyan ng sinus sa ating nasal cavity. Ang ating mga sinus ay sensitibo sa mga germs at microorganism na maaaring pumasok dito at maapektuhan nito na kung saan ay nagdudulot ng pamamaga ng ating mga sinus at pagkakaroon ng mga sumusunod na sintomas. Sintomas ng Sinusitis: -malalang sipon o baradong ilong - pressure sa kanilang mata -kawalan ng pang-amoy -hirap sa paghinga sa ilong...

6 Na Natural Na Paraan Upang Mapatatag Ang Mga Joints

Habang tumatanda ay humihina at nagiging marupok ang ating mga buto at joints. Kasama na sa mga dahilan kung bakit mo ito nararanasan ay dahil sa kakulangna sa ehersisyo, maling diyeta at lifestyle.  Habang tumatagal, maaari kang makaranas ng iba't ibang mga pananakit sa iyong mga joints at ito ay hindi komportable at pwede pang makaantala sa iyong pang araw-araw na gawain. Kaya naman habang maaga ay alagaan ang mga ito. Narito ang ilang tips upang mapatatag ang iyong mga joints.  1. Huwag papabayaang ma-stuck up ang iyong joints Karamihan sa mga taong nakakaranas ng arthritis ay pinagsasawalang bahala na ang ehersisyo dahil natatak0t sila na baka mas lumala pa ang kanilang karamdaman. Ngunit dapat pa ring igalaw-galaw ang katawan upang maiwasan ang joint stiffness. Benepisyal rin ang paggalaw ng dahan-dahan upang hindi mabanat ang mga ito.  2. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa calcium Ang calcium ay isang mineral na importante para sa...

4 Na Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Ice Cube Sa Iyong Batok

Maraming mga paraang upang magamot ang isang karamdaman. Depende na rin ito sa ating paniniwala, karanasan, at kagustuhan. Sa tradisyonal na paraan ng Chinese medicine, sinasabi na ang kombinasyon ng Feng Fu point at ice therapy ay nakakatulong upang maginhawaan ang buong katawan. Sinasabi na ang pag-stimulate sa point na ito gamit ang yelo ay makakatulong upang ikaw ay magkaroon ng mas maraming enerhiya at mas maging malusog. Wala namang mawawala kung susubukan ito. Narito ang makukuha mong benepisyo sa pagsasagawa ng paglalagay ng yelo sa iyong batok. 1. Nakakapagpawala ng sak!t ng ulo Ang Feng Fu point ay nakakatulong sa paggaling ng sak!t ng ulo, pagkahilo at mababang enerhiya. Ang paglalagay ng pressure, heat o ice cube sa tamang pressure points sa katawan ay nakakapagpadagdag ng enerhiya. Ang enerhiyang ito ay tinutumbok ang sak!t sa katawan. At ang paraang paglalagay ng ice cube sa batok ay magandang solusyon para sa sak!t ng ulo. 2. Nakakatulong up...

Halos 3.4M na mga Libro na Nagkakahalaga ng Mahigit 113 Milyon, Natagpuang Nakatambak Lamang sa mga Warehouses at Hindi Pala Ito Naipamigay

Kinwestiyon ng Commission on Audit o COA ang Department of Education (DepEd) matapos madiskubre ang sandamakmak na libro at mga materyales na ginagamit sa mga paaralan na nakatambak lamang pala sa mga warehouse nito. Kung susumahin ay aabot sa 113 na milyong piso ang ginastos ng gobyerno para sa mga ito na dapat sana ay napunta sa mga pampublikong paaralan sa iba’t-ibang parte ng bansa.  Sinasabing naipon ang mga ito mula pa noong taong 2014 at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin naipapamahagi sa mga nangangailangan lalo pa at maraming mga eskwelahan ang kulang na kulang sa mga kagamitan, samantalang nabubulok na lamang ang mga ito sa mga warehouse. Ayon sa annual audit report ng DepEd ay 440, 591 na materyales ang nakuha noong 2014, 1.6 milyon naman noong 2015, 1.2 milyon noong 2016 at 128,111 naman noong taong 2017, kaya umabot ng 113 milyong piso ang halaga ng mga ito. Mula rin sa record ay lumalabas na 15.77 na porsyento lamang ang naipamahagi sa mg...

8 Personal Na Gamit Na Hindi Mo Dapat Ipinapagamit Sa Iba

Mayroon tayong ibang mga personal na bagay na akala natin ay ayos lang na ipahiram sa iba. Ngunit ang hindi natin alam ay ito pala ay unhygienic dahil maaaring maging dahilan ito ng pagkapasa ng mga bakterya mula sa isang tao papunta sa isa. Narito ang mga personal na bagay na hindi mo dapat ibinabahagi sa ibang tao. 1. Hikaw Ang ating tenga ay mayroong napakaraming blo0d vessels. Kaya naman magiging madaling paraan ito upang mapasa ang alin mang bakterya o impeksy0n sa tenga. Kaya naman kung manghihiram man o magpapahiram ng hikaw ay tiyaking linisin muna ito at i-sanitize ng mabuti. 2. Nail cutter Hindi natin nakikita ngunit ang mga panlinis ng kuko tulad ng nail cutter ay nagtataglay ng napakaraming bakterya at mikrobyo na mula sa kuko ng tao. Ang pakikigamit ng nail cutter ng iba ay nakakapagpataas ng tiyansa ng pagkahawa ng mga fungal d!seases at human papillomavirus. 3. Twalya Ang twalya lalo na kapag ito ay basa ay maaaring maging bre...