Ang folic acid ay isa sa mga nutrisyon na kailangan ng ating katawan upang makagawa at mamaintain ang mga bagong cells. Makukuha ang folic acid sa iba't ibang pagkin gaya ng gatas, papaya, oranges, at iba pang folate rich foods. Nagkakaroon ng problema ay kapag ang isang babae na nagdadalang tao ay hindi nakakakuha ng tamang supplementation nito. At kung ang isang buntis ay nagkaroon ng kakulangan sa folic acid, maaari itong mauwi sa premature delivery at birth defects. Narito ang mga warning signs na dapat mong bigyan ng pansin. 1. Problema sa pag-iisip Ang folic acid ay isang napakahalagang nutrisyon sa ating utak. Dahil ang kakulangan nito ay maaaring magdulot ng depresyon, hirap sa konsentrasyon, pagiging makakalimutin at iritable. Nakakapagpataas din ito ng tyansa sa mga mas malalang kondisyon. 2. Pamamaga at pamumula ng dila Ang kondisyong ito ay tinatawag na 'glossitis.' Kapag napapansin ang iyong dila ay makintab, mapulang-mapula...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.