Marami na sa ating mga kababayan ang nakatanggap ng mga relief goods mula sa local na pamahalaan. Mayroong nagbigay ng mga bigas, sardinas, at instant noodles. Ngunit mayroon din namang mga baranggay na nabigyan ng mga sariwang gulay, prutas, at itlog. Isa na nga sa mga nakatanggap na relief goods na itlog ay ang guro na si Irene Villanueva-Baniqued ng Andres Bonifacio Elementary School sa San Jose Del Monte sa Bulacan. Noong matanggap niya ito ay sinabihan naman siya na itlog ng mga itik ang nasa relief pack. Dahil mahilig naman daw siya kumain ng balut ay itinabi niya muna ang iba sa food warmer samantala ang iba ay kanyang niluto. Makalipas ng ilang mga araw ay nagulat na lamang siya ng makarinig siya ng mga huni ng sisiw na nagmumula sa food warmer kung saan niya itinabi ang mga itlog. Noong inalis niya ang takip nito ay nakita niya na napisa ang mga itlog at lumabas ang pitong sisiw. Nadiskubre rin niya na hindi pala itlog ng itik ang kan...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.