Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2018

Pipino At Upo Juice Para Sa UTI(Urinary Tract Infection)

Ang Urinary Tract Infection o UTI  ay isang kondisyon ng pagkakaroon ng impeksiyon sa daluyan ihi o  urinary tract system kasama ang kidneys, ureters, bladder at urethra. Karamihan sa mga UTI, ang naaapektuhan ay ang bladder at urethra ng isang tao.  Ang pagpipigil ng ihi ay maaring maging sanhi ng UTI. Maaring magkaroon tayo ng nito dahil sa mga kinakain natin, sa hindi pag inom ng tubig o pagpigil ng ihi. May mas malaking tyansa na magkaroon ng UTI ang mga kababaihan dahil sa mas maikli ang daluyan ng kanilang ihi at mas mabilis makapasok ang mikrobyo na nagdudulot ng impeksyon.  Mayroong mga gamot na inireresta ng doktor sa paggamot ng UTI, ngunit mayroon ding simple at natural na paraan upang gamutin ito. Narito at tunghayan kung paano makakatulong ang Pipino at Upo Juice sa taong may UTI: 1. Pipino Ang Pipino ay maganda sa ating katawan.Maari itong gamiting pampaganda, kainin at panggamot sa  iba't ibang karamdaman. Mabuti...

Ano Nga Ba Ang Dahilan Ng Sleep Paralysis? Narito Kung Paano Ito Maiiwasan!

ANO BA ANG SLEEP PARALYSIS? Ito ay hindi magandang pakiramdam na hindi mo gugustuhing maranasan. Kung nakaranas na kayo ng natutulog ngunit gising ang iyong utak o diwa, hindi makagalaw at makapagsalita at pakiramdam mo na may nakadagan sa iyo, tiyak kayo ay nakararanas ng sleep paralysis. Ito ay isang karanasan na hindi mo malilimutan dahil sa dinadala nitong pangamba. Ito ay may dalawang uri ang hypnagogic sleep paralysis at hypnopompic sleep paralysis. 1. Hypnagogic sleep paralysis ay ang nangyayari bago ka pa makatulog dahil binabaliktad nito ang normal na pagtulog ng isang tao at pinapanatili nitong gising ang utak at nag reresulta ito sa hindi makontrol na katawan o ito ang tinatawag na sleep paralysis. 2. Hypnopompic sleep paralysis naman ay nangyayari tuwing sa buong kalaliman ng pagtulog. Nararamdaman ang kondisyong ito na gising ang itong utak o diwa at alam mo ang nangyayari sa iyong kapaligiran. Ngunit hindi mo maigalaw ang iyong...

5 Paraan Paano Matanggal Ang Varicose Veins Sa Iyong Paa!

Ang pagkakaroon ng varicose veins ay isa ng karaniwan na problema. Ito ay ang pagpalipit at paglaki ng iyong mga ugat sa paa na nagiging halata sa iyong balat. Kadalasan ang mga ito ay makikita sa legs at paa. Nagkakaroon nito dahil sa sobrang pressure sa iyong mga veins dala ng matagalang pagtayo, pag-upo, sobrang timbang, pagbubuntis, at pwedeng ito rin ay namamana. Kapag malala na ang iyong varicose veins ay maaaring operahin o ilaser. Ngunit kung nagsisimula pa lang lumitaw ang mga ito ay pwede mo pang agapan sa pamamagitan ng mga home remedies na ito! 1. Malumanay na masahe / Gentle Massage Ang hindi maaayos na pagdaloy ng dugo sa iyong mga paa ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit lumalaki at lumalala ang kondisyon ng iyong mga varicose veins. Sa pamamagitan ng malumanay na pagmasahe, ma-iimprove ang sirkulasyon ng iyong dugo sa hita at paa.  I-massage ng dahan-dahan ang iyong mga hita at paa sa pataas na direksyon (upward) gamit ang coc...

Kumakain Ba kayo ng Ginataang Labong? Alam Niyo Ba na May Health Benefits Pala ang Pagkain na Ito!

Ang labong o bamboo shoots sa ingles ay kadalasang nakikita sa ating ulam. Ito ay kadalasan na inihahapag sa mesa ng mga Pinoy. May dalawang klaseng luto ang lubong, maaari itong gawing ginataan o ginisang labong.  Sikat lamang ito sa mga bansa ng Asya tulad ng Pilipinas. Ang lasa nito ay may pagka-malutong at matamis-tamis. Ang labong ay hindi lamang madalas na iniluluto, kung hindi ang pagkain nito ay madami pang magagandang maidudulot ito sa ating katawan! Alamin niyo kung ano ang magandang maidudulot ng pagkain ng Labong: 1. Naglalaman ng mga Vitamins at Minerals na nakakatulong sa mata Sinasabi na ito daw ay naglalaman ng vitamin A na nakakatulong i-improve ang ating paningin. Mayroon din itong vitamin B6 para naman sa pagpapabilis ng metabolismo, Folate para naman sa pagkakaroon ng komplikasyon sa panganganak, Calcium para sa matibay na buto, Vitamin E para sa matibay na buhok at kuko. 2. Nakapagpapababa ng Cholesterol Ang pagkain...

Alam Niyo ba ang Ensaladang Lato? Isa Pala itong Napaka Healthy na Pagkain Lalo na sa Pagiwas sa Goiter!

Ang ensalada ay hango sa Spanish na salita na ang ibig sabihin ay salad. Kaya naman ang ibig sabihin ng ensaladang lato ay seaweed salad. Ang iba ay nakikita nila ito na hindi masarap ngunit ito ay halo-halong lasa. Puwede ito na maging appetizer, side dishes o dessert. Hindi naman ito mahirap gawin sa katunayan nga konting oras lamang ang kailangan upang makagawa ka nito.  Naririto lamang ang kailangan mong mga ingredients: ¼ lb. ng lato (hugas) 1 malaking kamatis 1 katam-tamang laki ng pulang sibuyas(minced) ¼ cup ng suka 1/8 tbsp. ng durog na paminta ¼ tsp. ng asin ¼ tsp. ng granulated white sugar 1. Sa isang malaking mangkok paghaluin ang suka, asin, paminta, asukal, kamatis at sibuyas 2. Ihalo ang lato o seaweed. Hintaying ng 10 minutes 3. I-serve. Mas masarap ito sa ulam na may isda! Narito ang magandang maidudulot ng pagkain ng lato sa ating katawan: 1. Mayroong Vitamins at Minerals Lahat naman ng halaman ay may ganito, ...

5 Magandang Maitutulong ng Pagkain ng Saluyot sa Ating Kalusugan!

Ang saluyot o “bush okra” sa ingles ay halamang nakakain bilang gulay sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas lalo na sa Northern Luzon. Ito’y maliit lamang, patusok-tusok ang gilid, at may bulaklak na dilaw sa itaas.  Ito ay karaniwang nakikita malapit sa mga palayan. Tayong mga pilipino ay madalas na kumain at magluto ng saluyot, alam niyo ba na may maganda itong health benefits sa ating kalusugan? Narito kung ano ang makukuha sa pagkain ng saluyot! 1. Maraming bitamina at mineral ang nakukuha sa dahon na ito Ang mga mineral at bitamina tulad ng calories, protein, fat, carbohydrate, fiber, calcium, phosphorus, iron, sodium, potassium, beta-carotene, thiamine, riboflavin, niacin, at ascorbic acid ay maaring makuha sa pagkain ng saluyot. Ang mga mineral na ito ay makakatulong upang matanggal at labanan ang mga toxins sa ating katawan.  2. Pwede rin itong maging halamang gamot.  Una, ang dahon nito ay nilalaga at pinapainom sa ...

The Power of Malunggay Para Sa Mga First Time Moms at Sa Buong Pamilya!

Matatagpuan lang sa inyong bakuran ang halaman ng Malunggay na mayroong napakaraming benepisyo para sa mga nanay at sa buong pamilya.  Ang Malunggay o tinatawag ding Moringa oleifera ay malawakang ginagamit bilang sangkap ng gulay sa pagluluto o ginagamit bilang isang natural na herbal na lunas. Ito ay kilala bilang isang napaka-masustansiyang halaman kung saan ito ay ginagamit upang labanan ang malnutrition sa mga third world countries lalo na para sa mga sanggol at mga ina. Ang Malunggay ay pinaniniwalaang naglalaman ng mataas na halaga ng nutrients at nagtataguyod ng pangkalahatang kagalingan. Narito ang mga benepisyo ng Malunggay para sa mga nanay: 1. Nakakadagdag ng supply ng gatas ng ina Ayon sa mga pag-aaaral, ang mga babaeng buntis na uminom ng sabaw na may malunggay bago manganak at hanggang sa pagkapanganak ay nagpapakita ng saganang produksyon ng gatas. 2. Pinapalakas ang Immunity Sa pag-aalaga ng bagong panganak hindi m...

Mga Benepisyong Maaring Makuha sa Paggamit ng Citronella (Lemon Grass)

Ang citronella ay kilalang halaman na may anyong damo. Ito ay may angking amoy na ginagamit sa maraming bagay gaya ng pampabango, pampalasa at pantaboy sa lamok. Ito ay itinatanim sa maraming lugar sa Pilipinas partikular sa Baguio at pinoproseso upang makuha ang langis nito. Ang mga pangunahing langis na nakukuha sa halamang ito ay geraniol, citronellal at citronellol na mabisa panlaban sa mga lamok. Ang lemon grass ay ginagamit din bilang pampalasa at ang dahon nito ay maaaring gawing herbal tea. Ginagamit din ang dahon ng citronella sa panggagamot. Narito ang mga iba't ibang karamdaman na maaaring magamot ng Citronella: 1. Altapresyon Ang langis ng citronella ay epektibo din sa pagpapababa ng mataas na presyon ng dugo. 2. Kagat ng lamok Pinakakilala ang citronella bilang pangontra sa lamok. Dahil dito, makatutulong ito nang malaki sa pag-iwas sa posibilidad na pagkakaroon ng mga karamdaman na konektado sa kagat ng lamok gaya ng dengue...

Medisinal Na Benepisyong Makukuha sa Pagkain ng Atis!

Kilala ang halaman na atis dahil bunga nito na paborito ng maraming Pilipino. Mayroon itong berde, bilugan ngunit umbok-umbok na bunga na may maputing laman at maiitim na mga buto. Karaniwan ding makikita ang puno nito na tumutubo sa buong kapuluan ng Pilipinas. Ano ang mga sustansya at kemikal na maaring makuha sa atis? 1. Ang dahon nito ay makukuhanan ng alkaloid na chloroplatinate. 2. Makikita rin ang isa pang alkaloid na anonaine sa dahon, buto, at balat ng kahoy nito. 3. Ang balat ng bunga ng atis ay mayroong alkaloids, proteins, carbohydrates, flavanoids, glycosides, saponins, at tannins. 4. Ang buto ng atis ay makukuhanan ng alkaloid, neutral resin, at fixed oil. Ano ang mga sak!t na maaring magamot ng atis? 1. Pagnanana Ang dinikdik na dahon na pinahiran ng asin ay inilalagay sa sug@t na nagnanana upang mabilis na maghilom at mapalabas ang mga nana. 2. Kuto at lisa Dinudurog ang buto ng atis at inilalagay sa langis upan...

Ito Pala ang Ibig Sabihin ng Pangangati ng Tiyan Habang Nagbubuntis!

Isang 28 na gulang na ina ang nagsimulang makaramdam ng labis na pangangati ng malapit na ang panganganak niya. Nung una ay hindi nito binigyan ng ibig sabihin dahil akala niya’y parte lamang ito ng pagkabanat dahil siya’y nagdadalantao.  Subalit, nung ika-36 linggo hanggang sa pagbubuntis ay na-diagnose siya ng Intrathepatic Cholestasis of Pregnancy (ICP) . Ito ay nangyayari kapag ginulo ng mataas na lebel ng hormone dahil sa pagbubuntis ang daloy ng bile sa pagitan ng Gall Bladder at Liver. Sinabi rin ng mga doktor na pwedeng makaranas ng mga malalang komplikasyon ang kanyang sanggol kabilang na rito ang “stillbirth”. Kaya nagsagawa sila ng sapilitang panganganak isang linggo matapos siyang ma-diagnose. Nagsilang sila ng isang maliit ngunit malusog na babae. Ayon sa kanya, madalas siyang nagigising sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog dahil sa pangangati ng kanyang tiyan at dahil na rin sa pagdurugo ng kanyang mga binti at braso dahil hindi niy...

Mga Benepisyong Makukuha Pag-inom Ng Kape

Ang kape ay isang kilalang inumin na yari sa tinustang buto ng halamang kape. Ang mga buto ay nagmumula sa puno na may katamtamang taas na karaniwang tumutubo sa mabababa at mataas na lugar. Mayroon itong dahon na may makinis na tekstura, at bulaklak na maputi ang kulay. Orihinal itong nagmula sa bansang Arabia, ngunit ngayon at kalat na sa buong mundo. Ang pag-inom ng kape sa umaga ay hindi lang nakakapagpagising ng ating diwa, mayroon din itong sustansya na naidudulot sa ating katawan dahil sa mga natural na sangkap nito. Bukod pa doon ay mayroon din itong medisinal na bepepisyo.  Narito ang mga karamdaman at kondisyon na maaring magamot ng kape: 1. Sirkulasyon ng dugo Nakapagpapabuti ng daloy ng dugo sa katawan ang pag-inom ng kape. Minsan, maaari ding inumin ang pinaglagaan ng dahon para dito. 2. Hika Ang tinustang buto ng kape na ginawang inumin ay sinasabing mahusay na gamot para sa hika kung regular na iinumin. 3. Typhoid fever ...

Madalas Natin Itong Paglaruan Noong Bata Pa Tayo! May 5 Magandang Benepisyo Pala Ito Sa Kalusugan!

Ang mga buto ng mahogany ay karaniwan nakikita kahit saan. Madalas din itong paglaruan ng mga bata at paliparin sa hangin. Karamihan sa atin, hindi natin alam na mayroon pala itong mga nakakapagpagaling na kaatangian na kapaki-pakinabang sa katawan. Ito ay isang uri ng halaman na karaniwang lumalaki sa mga tropikal na klima sa bansa tulad ng Pilipinas. Ito ay kilala sa buong mundo dahil sa kalidad ng kahoy nito. Alam niyo ba na ang mga buto ng prutas nito ay may isang mahusay na layunin para sa ating kalusugan? Ang prutas nito ay kilala rin bilang mga "Sky Fruit" na may masarap na lasa at hindi gusto ng sinumang kumakain ang mga butong ito. Ang prutas ng mahogany ay ginagamit din bilang herbs na maaaring mabawasan ang iba't ibang mga isyu sa kalusugan. Ang mga butong ito ay nasubok at napatunayang kapaki-pakinabang sa ating kalusugan. Naglalaman ito ng maraming sustansya, bitamina, at mineral na maaaring gamutin at pigilan ang ilang uri ng sak!t ...

Mga Bagay at Gawain Na Dapat Iwasan Ng Mga NagbuBUNTIS!

Ang pagbubuntis ay isa sa mga challenging na stage ng pagiging babae. Dahil hindi lang ang iyong katawan ang pinangangalagaan dito kung hindi pati na rin ang iyong dinadala sa iyong sinapupunan.  Maraming mga bagay-bagay ang iyong dapat isaalang-alang. Isa na dito ay ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at pag-iwas sa mga masasamang bisyo o gawain na maaaring makaapekto sa iyong pagdadalang-tao. Narito ang mga bagay o gawain na dapat mong iwasan kung ikaw ay nagbubuntis upang magkaroon ng malusog at maayos na pagbubuntis: 1. Pag-iwas sa masamang bisyo Ang tinutukoy na bisyo dito ay ang pag-inom ng al@k at paninig@rilyo. Dahil ang mga gawaing ito ay nakakasama sa iyong dinadalang sanggol at maaaring magdulot ng iba't ibang komplikasyon sa iyong pagbubuntis gaya ng pagkakunan, premature birth, o birth defects. 2. Pag-inom ng inuming may caffeine Kung ikaw ay mahilig sa kape, mas makakabuti kung iwasan na lamang ito kung ikaw ay nagbubunti...

Limang Paraan Para Guminhawa Ang Karamdaman Dahil Sa Heartburn!

Naranasan niyo na ba na pagkatapos niyong kumain ay parang nakaramdam kayo ng pag-aapoy o mabigat ang inyong dibdib? Maaaring dulot iyan ng heartburn. Ito ay isang karaniwan na problema na nagdudulot ng mabigat na pakiramdam na parang nag-aapoy ang iyong dibdib.  Ito ay dulot ng mga ac!dic juices sa ating tiyan na umaakyat papunta sa ating esophagus o lalamunan. Ang ibang sintomas nito ay maaaring pagduduwal, pamamaga ng tiyan (bloating), kabag, at kahirapan sa paghinga.  Samantala, mayroon namang mga natural na home remedies na mura na at maaari mong subukan upang guminhawa ang pakiramdam sa pagkakaranas ng heartburn: 1. Baking Soda Ang baking soda ay isa sa mga epektibong paraan upang masolusyonan ang heartburn. Ito ay isang natural na antacid, na kayang i-neutralize ang mga asido sa iyong tiyan at mabigyan ka ng agarang ginhawa. Maaaring maghalo ng 1 kutsaritang baking soda sa isang basong tubig at inumin ito 2-3 beses araw-araw kung kinaka...