Malamang marami na ang nakapagsabi na mas magandang uminom ng warm water kaysa sa malamig na tubig. Sa katunayan, ang practice na ito ay ginagawa na noon sa ancient Chinese medicine. Pinaniniwalaan na ang temperatura ng tubig ay dapat kaparehas ng temperatura ng katawan. Kung ang temperatura ng tubig ay mas mataas o mas mababa sa temperatura ng katawan, ito raw ay nakakagambala sa balanse ng energy. Bukod sa paniniwalang ito, narito ang mga importanteng rason at mga pagpapatunay na mas magandang uminom na lamang ng maligamgam na tubig. 1. Nakakapagpabagal sa pagtanda Walang gustong agad na magmukhang matanda, ngunit ang mga toxins sa katawan ang dahilan ng maagang pagtanda. Sa katunayan, ang maligamgam na tubig ay nakakatulong sa paglilinis ng kidneys at atay at nakakapagpabilis ng metabolismo. 2. Nakakatulong sa pagbabawas ng timbang Dahil ito ay may kakayahang magpabilis ng metabolismo, ito ay mabisa sa pagsunog ng sobrang calories sa katawa...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.